May 3, 2016
Nais ni Mayoralty aspirant John Sambo naipasailalim ang bayan ng Sto. Tomas salistahan ng hotspots at watchlist ng Commission on Elections (Comelec).
Ito ay matapos makatanggap ang isa sa mga security aide ni Sambo nanagngang lang Adriano Canlas ng hand grenade at handwritten note na nagbabanta sa seguridad nito.
Sasulat na natanggap ni Canlas, ay sinabing bilang na ang mga araw nito, kung kaya’tkinakailangan nitong lumayo sa lugar kung saan nananatili si Sambo. Kasama din sa pinag bantaan ang pamilya ni Canlas.
Samantala, ayaw naman umanong magkomento ni Sambo, o magbanggit ng pinaghihinalahang tao sa likod ng nasabing insidente.
Kaugnay nito, ay sinigurado naman ni Philippine Police Regional Director Rudy Lacadin naiimbistigahan nila ang pangyayari. Magtatalga din umanoito ng karagdagang police personnel para sa mga checkpoint operations sabayan ng Minalin at Sto. Tomas.