May 2, 2016
MANILA, May 2, 2016— Ipinaabotni Cardinal Luis Antonio Tagle ang isang napakahalagang mensahe nito ukol sa servant leadership ng mgakandidato para sa national positions sakanyang misa sa manila Catheral nitong lunes.
Ayon kayTagle ang pagpili sa kahit na sino mang kandidato ay kaakibat nang malaking responsibilidad na nakaka higit pa sa pag wawagi.
Ang pagiging isang kandidato umano, ay kinakailangang malaman na ito ay isang pagpapa alaala na may kasamang responsibilidad. Na kung Manalo, ay nangangahulugang magiging kinatawan ng mgatao,upang matupad ang kanilang mga pangarap at mapanatili ang ika bubuti ng bawat isa.
Ipinaabot ito ng Cardinal sa Kanyang homilya ng ganapinang signing of a covenant para sama katotohanan, Responsable, Matuwid, Malinis at Tapat na eleksyon sa May 9.
Kaugnay nito ay hinimok din ng Cardinal ang mga presidential at senatorial candidates na suriing mabuti ang tunay na pangangailangan ng mga mamamayan, upang saloob ng anim na taon ay magawa ng mga ito ang kanilang responsibilidad upang makabuo ng maayos at mas ligtas na komunidad dito sa bansa.