July 4, 2016
Nakuha ng Bataan na kilala bilang isang probinsya namay adhikain laban sa climate change ang world
record para sa pinakamaraming punong inanim sa loob lamang ng isang oras sa isang lugar noong June
25.
Nasa 18,000 estudyante, volunteers mga propesyonal , manggagawa at mga mamamayan ang sama-
samang nagtanim ng 223,393 na puno sa Barangay General Lim sa Orion kung saan nalo nito ang India
na siyang record holder na nakapag tanim ng 208,751 na mga puno noong 2015.
Nagtanim ang mga ito ng namumungang puno gaya ng kasoy na siyang pangunahing produktong prutas
ng Bataan. Kabilang din dito ang fuelwood gaya ng ipil-ipil at kakawate na inanim sa isang 200 hectare
na lupain na pangangalagaan ng isang grupo ng mga boluntaryong magsasaka.
Ayon sa head ng provincial Government Environment and Natural Resources sa Bataan na si Engr. Vic
Ubaldao , ang mga puno umano ay susuportahan an gang lokal na prouduksyon ng kasoy at magsisilbing
proteksyon laban sa carbon emission sa peninsula kung saan maraming power plants.
Matatandaan na kamakailan lamang ay nakuha nman ng Balanga City ang World’s largest dance ?tness
class in an single venue kung saan 16, 218 ang sumayaw sa loob lamang ng 30 minuto. Kung saan, nalo
nito ang Mexico City na mayroong 6,630 parcipants.