May 3, 2016
Nitong linggo ay ipinamigay ng Philippine Red Cross (PRC) ang nasa 1, 900 na bahay sa mga biktima ng super typhoon Yolanda sa Bantayan Island sa Cebu province.
Sa ilalim ng PRC’s typhoon Hyan Recovery program at sa tulong ng German Red Cross ay napipamigay ang nasabing bilang ng kabahayan noong Labor Day sa mga munisipalidad ng Madridejos at Bantayan.
Ayo kay PRC chair Richard Gordon, sa tulong umano ng housing project na ito ay hindi lamang nila nahandugan ng matitirhan ang mga biktima bagkus, ay naibalik pa ang kanilang mga dignidad at makakatulong pa ito upang mkapagsimula sila ng bagong buhay.
Maliban sa mga bahay naipinamahagi ay nagtatayo pa umano ng karagdagang 500 pang mga bahay ang PRC sai sla. Sa kabuuan ay nakapagtayo na ang PRC at mga kasamahan nitong organiasyon ng 7,772 mga bahay para sa mga biktima ng Yolanda sa komunidad.